walang dalang kahit ano ang bata, kaya pareho silang walang makain na dalawa sa araw na iyon.  Gutom na gutom ang bata dahil pareho nga silang walang pera ng kanyang ama. Kaya ipinagtanong-tanong ng bata na nakasuot ng itim na tsinelas sa kanilang mga kapitbahay  kung saan naroroon ang kanyang ina.  Manghihingi sana ito ng pambili ng makakain ng kaniyang malungkuting ama.  Kaya matapos maituro ng isang nagmamalasakit na kapitbahay na may pinamiling kilalang brand ng gatas, cheese spread, at ice cream, ang kasalukuyang tinitirhan ng kanyang ina ay dali-dali itong sumakay ng jeep at nagpunta roon para mag-makaawa sa ina.  Napag-alaman ng hostage-taker na pupunta sa bahay ng mayor ang kanyang anak, nag-alala ito bigla para sa kanyang anak kaya sumunod agad ito at