sumakay din ng jeep.  Pagkarating ng hostage-taker sa malaking bahay ng mayor na pininturahan gamit ang isang mamahaling pintura, nakita niyang pinagtatabuyan ng mayor ang kanyang anak papalabas  sa malaking gate nito.  Dinig na dinig niya ang pakiusap nito sa mayor.  
             "Gusto ko lang pong makita at makausap ang mama ko....matagal na siyang hindi umuuwi ng bahay.   Naging malulungkutin na ang tatay ko, kaya kung maari ay pabalikin n'yo na sa amin ang mama mo.  Gutom na gutom na rin kami ng tatay dahil wala na kaming perang pambili ng pagkain.  Maawa na po kayo palabasin niyo na ang mama ko..." mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ng batang babae.
              Subalit hindi siya pinakinggan ng mayor, sa halip ay ipinagtabuyan kaagad siya nito. At ng tumanggi ang batang