umalis, tinawag pa kaagad nito ang kanyang mga tauhan at mabilis na dinala at hinatak ang bata sa isang itim na sasakyan. Naririnig ng hostage-taker ang malakas na pagsigaw ng kanyang anak na babae sa loob ng sasakyan. Tumakbo kaagad siya papunta sa kanila subalit mabilis itong nakatakbo at humarorot papalayo. Hinabol niya nang hinabol ang sasakyan hanggang sa tuluyang mawala na ito sa kanyang paningin. Sa sumunod na araw narinig niya ang isang malungkot na balita tungkol sa isang katawan ng isang batang babae. Nagmadali kaagad siya papunta ng bridge at nakita ang nag-aagaw buhay niyang anak na babae sa loob ng rumesponding police ambulance. Tumakbo siya papunta rito at yinakap ito sa kanyang mga bisig.