Sa malungkot nitong mga mata ay pinagmasdan nito ang ama nito. “Mahal kita papa, nagugutom ako… pagod na pagod ako papa… inaantok, matutulog na ako papa…” Namatay ang kaawa-awang bata sa kanyang mga bisig. Nakita pa niya ang mayor na pinapanuod ang anak niya na parang wala itong kinalaman sa nangyari dito.
Halos mabulag siya sa kanyang mga luha na yakap-yakap niya nang mahigpit ang kanyang walang buhay na anak sa kanyang mga bisig. Sumigaw siya nang sumigaw at hanggang sa tuluyan siyang mabaliw at magtatakbo papalayo sa lugar.
Ikinulong siya sa isang mental hospital ng matagal. At nang medyo gumaling na siya ay hindi na siya masyadong binabantayan nasabing mental hospital. Kahit medyo