gumagaling na siya ay sariwa pa rin sa mga alaala nito ang malagim na pagkamatay ng kanyang anak na batang babae. Kaya nang minsang malingat ang nagbabantay sa kanya ay agad itong tumakas para isakatuparan ang kanyang balak na paghigantihan at patayin din sa sarili niyang mga kamay ang mapang-abusong mayor.  Napupuno siya nang poot at galit sa mayor na ito kaya naisip niyang mang-hostage para mapilitan itong harapin siya at nang sa gayon ay magkaroon siya ng pagkakataong isakatuparan ang plano niyang paghigantihan ito. Papatayin niya ito agad-agad sa oras na magkaroon siya ng pagkakataon.  Wala siyang balak na makipag-negotiate sa mga negotiator.  Papatay lang talaga siya ng isang mapang-abusong mayor, iyon at iyon lang ang balak niyang gawin.