Chapter 21
Patuloy pa rin sa pagdatingan ang mas marami pang usyosero na ang iba ay may bitbit na chocolate filled biscuits. Maya-maya lang ay paisa-isang nagdatingan ang maraming mga taga-media. Dahan-dahan nilang isenet-up ang kani-kanilang mga camera para makakuha agad ng pinakamagandang video coverage. Humanap sila ng pinakamagandang anggulo para makunan ng malaking mansion. Halos sabay-sabay silang nag-ulat sa kani-kanilang mga TV stations para maihatid ang lahat ng mga kaganapan sa nangyayaring hostage-taking.
"Okey, umpisahan na natin ang kunwaring movie shooting,” sabi ng lead-negotiator. “Sino bang gustong magpahiram sa amin ng camera at nang maumpisahan na ang shooting, sinong gustong maging artista sa inyo taas ang kamay. Biglang dami agad nang nagtaasan ng kani-kanilang mga kamay suot-suot ang kanilang mga relo.