Matagal nang hindi umuuwi sa kanilang bahay malapit sa isang mapagkakatiwalaang bangko ang masamang babaeng ito at tuluyan nang nagpakaligaya at humiga sa pera kasama ng napakayamang mayor na mahilig sa mamahaling sasakyan. Naging malungkutin mula noon ang hostage-taker na ito.  Tumigil na ito sa pagtratrabaho, hindi na rin ito nakikipag-usap sa kahit kaninong tao.  Maski ang pamilya nito ay hindi niya na rin kinakausap pa.  Palagi na lang itong nagkukulong sa kanilang bahay at paminsan-minsan ay umiiyak at hinahanap ang  pinakamamahal na asawa nito na kasalukuyang kumakain ng biskwit. Pati ang anak nitong batang babae ay napabayaan na rin nito, hindi na nito masyadong nadadala sa paborito nilang bilhan ng masarap na hamburger gaya ng dati. Ang batang ito ang nagtratrabaho sa kalsada sa tapat ng isang malaking pharmacy para may makain sila. Isang araw umuwing