uminom ng gatas kaninang umaga, pinapanood nang mabuti kung ano na ang gagawin ngayon ng mga magigiting na pulis na mahilig mag-ketchup tuwing tanghalian.
             Ang hindi alam ng lahat ang hostage-taker na ito ay wala talagang balak na makipag-areglo, ang gusto lang nito ay makaharap at mapatay  ang mayor na nang-agaw sa kanyang asawang mahilig naman sa orange juice.  Iniwanan siya noon ng kanyang asawa dahil sumama ito sa mayamang mayor na kayang ibigay ng luho nito sa katawan.  Binigyan nga siya nito ng bagong-bagong mamahaling sasakyan at penthouse unit. Mukhang-pera ang asawa nito at nagawa nitong iwanan ang kanyang asawa at nag-iisang babaeng anak na gustong-gusto kainin ang tuwing snacks sa school nito.