Chapter 20
"Bilis kunin niyo na itong listahan nang mga gustong ipabili ng hostage-taker at magtagawag agad kayo ng maraming taga-media pag-mumukhain nating may shooting sa lugar na ito, bilisan n'yo hangga't hindi pa nalalaman ng mga bata na hino-hostage sila!" seryosong utos ng nag-aalalang negotiator na nakasuot ng bagong puting medyas. Agad namang umalis ang dalawang pulis na parehong naka itim na sunglasses at nag-wax sa kani-kanilang mga buhok para hanapin at bilhin lahat nang gusto ng hostage-taker. Ang ibang natirang mga pulis naman na mahilig sa mamahaling tsokolate ay agad na nagtawag ng mga taga-media sa kani-kanilang cellphone. Tumahimik ang lahat ng mga usyosero at usyosera na