Tahimik na naghintay ang maraming usyosero at usyosera para malaman kung ano ang nakasulat sa maliit na papel. Nang makuha na ang papel ng lead-negotiator ay binasa niya ito nang tahimik, 'hamburgers, fried chickens, pancit, lumpia, spaghetti, cake, soft drinks, mango shakes, fries, chocolates, bubble gums, halo-halo at lastiko. Pagkatapos ay inumpisahan na niyang basahin ang mensahe ng hostage-taker sa likuran ng maliit na papel.
        'Brad, hindi alam ng mga batang ito na sila ay aking mga hostage, ang akala nila ay mayroon kaming isang maliit na party at shooting ng isang pelekula. Umayos kayo at huwag magpahalata sa mga bata. Bilisan niyo na lang ang pagbili sa lahat ng mga hinihiling ng mga batang ito, dahil kung hindi, alam na nating lahat kung ano ang mangyayari, maliwanag!"