lead negotiator.
Biglang may nahulog na isang maliit na puting papel mula sa loob ng malaking mansion. Nakita kaagad ito ng isang usyosero.
"Boss Chief, may inihulog na maliit na papel ang hostage-taker!" malakas na sabi ng isang usyosero habang itinuturo ito sa lupa.
Inutusan naman kaagad ng lead-negotiator ang isang pulis para kunin ang maliit na papel. Sumunod naman kaagad ito at nagmadaling kunin ito sa may lupa. At nang makuha na ito ng magiting na pulis ay kaagad itongtumakbo pabalik sa lead-negotiator para mabasa na niya ito. Nang makuha ng lead-negotiator ang papel kaagad niya itong inumpisahang basahin.