hostage-taking. "Magsalita ka makikinig kami sa 'yo, sabihin mo sa amin kung ano ang gusto mo baka sakaling matulungan ka namin kung ano man ang problema mo!"
Dumarami pa nang dumarami ang mga nag-uusyosong mga tao sa palibot ng mansion. Patuloy lang sa pakikinig ang mga tao sa nangyayaring negosasyon. Pero hindi pa rin sumasagot ang nag-iisang hostage-taker.
"Pare pakiusap magsalita ka naman, maawa ka naman sa mga batang iyan, pare magulang ka rin naman siguro, isipin mo naman ang nararamdaman ng mga magulang ng mga batang iyan tiyak alalang-alala na ang mga iyon para sa kaligtasan ng kanilang mga anak," malakas na pakiusap ng