Chapter 19
Hindi makita ng mga rumesponding mga pulis ang loob ng malaking mansion dahil natatakpan ang malalaking bintana nito ng mga malalaking puting kurtina. Marami na ring mga taong nag-uusyoso sa palibot ng malaking mansion na napapalibutan ng malalawak na kulay green at evenly cut green grasses. May ilan ring mga kalsada sa malapit papunta sa kung saan sa may syudad. Napapalibutan na rin ito nang napakaraming mga pulis. "Pare mag-usap tayo, sabihin mo sa amin kung ano ang gusto mong mangyari, ano ba ang dahilan at naisipan mong kidnapin ang mga batang estudyanteng 'yan, magsalita ka!" malakas na tanong at utos ng lead negotiator ng nangyayaring