Xander mula sa kanyang pagkakahulog sa sahig at linapitan ang isang malaking salamin.  Tiningnan niya ang kanyang sarili mula ulo hanggang paa.  Napaisip siya nang mabuti. Tama, kagaya rin ako ng ibang mga ordinaryong tao, nagsisimba, naniniwala at nanalangin sa Diyos nagkataon nga lang na nagkakaroon ako ng mga pangil.    Marunong din akong umibig gaya ng iba.  Marahil darating din ang araw na matatanggap rin ni Althea ang totoo kong pagkatao. Mahal na mahal ko si Althea at hindi ko hahayaang mawalay siya sa aking piling.  Alam kong mahal rin ako ni Althea, kailangan ko lang sigurong bigyan siya nang sapat na panahon para mapag-isipan at maunawaan ang lahat.