wala naman itong mga pakpak?  Takot na takot pa rin siya at dahan-dahan siyang kumapa sa ibaba ng katawan nito na dumagit sa kanya. Sa kanyang pagkamangha ay agad niyang naramdaman ang dalawang mga binti nito, maging ang dalawang mga paa ay naramdaman din niya. Unti-unti ay napagtanto niyang ang ibabang bahagi na katawan ni Xander ay hindi nakikita, hindi ito napuputol gaya ng ibang mga manananggal. 
         "Xander!" sigaw ng bata habang hawak-hawak ng kapatid ni Henry sa kanyang mga bisig.
          At biglang muling lumitaw ang mga paa at binti nito. Sa pagkabigla at pagkagulat bumagsak ang binata sa lupa hawak-hawak pa rin si Xander sa kanyang mga bisig. Umiyak