ito ng umiyak habang patuloy na nakatingin sa nakababatang kapatid ni Henry.  Lalo pang nagliyab ang malaking bahay at sa takot ng kapatid ni Henry na baka may natira pang mga aswang at mga manananggal ay tumayo siya at tumakbo nang pagkabilis-bilis na karga-karga si Xander papalayo sa lumiliyab na bahay.  Tumakbo siya nang tumakbo, palayo nang palayo hanggang sa hindi na niya matanaw ang kanyang pinanggalingan.  Huminto siya sa sobrang pagod, at pinagmasdan ang karga-kargang bata at niyakap niya ito nang mahigpit. "Mula sa araw na ito, ako na ang mag-aalaga at magpapalaki sa 'yo, hindi kita pababayaan pangako," at muli nitong niyakap ang bata nang mahigpit na mahigpit.