Chapter 8
Matapos mag-kwento ni Eric ay lumapit ito kay Damien. "Iyon ang buong pangyayari sa malagim na araw na iyon Damien, at maiintindihan ko kung mahirapan kang paniwalaan ang lahat ng ito dahil ako mismo ay hindi rin makapaniwala hanggang sa masaksihan ko na ang lahat," pahayag ni Arthur habang umuupo sa silya malapit sa kinauupuan ni Damien.
"Ang totoo ko palang pangalan ay Zander at hindi Damien, tito."