"Tama, at kaya ko lang pinalitan ang iyong pangalan ay upang pangalagaan ka.  Nag-aalala kasi ako na baka magkamali kang isigaw ang pangalan mong Zander ay bigla ka na lang lumutang at maging kalahati sa harapan ng maraming tao. Pinili ko ang pangalang Damien dahil para sa akin padala ka ng Diyos at ang bawat dasal ay nagtatapos sa katagang, Amen. Sa malagim na gabing iyon ay dasal ako nang dasal para sa aking kaligtasan at para sa iyong kaligtasan. Para sa akin ay isa kang biyaya para sa buong sangkatauhan, Damien. Saka napag-isip-isip ko na ilihim na muna sa 'yo ang tungkol sa totoo mong pagkatao noon dahil hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa iyong buhay."       
          "Kung ganon ako ay isa ring manananggal, ganon ba