Tito Eric?" mabilis na tanong nito.
           "Hindi rin, dahil ayon sa kwento ng mga magulang mo bago sila tuluyang mapaslang ng mga aswang at manananggal ikaw ay isang tao.  Kaya pilit na pinapaslang ng masasamang manananggal na may itim na mga pakpak at may mahahabang kulay gray na dila ang lahi ng mga manananggal na may kulay brown na pakpak at may mahabang kulay green na lubid sa itaas at gitna ng kanilang mga dibdib ay dahil sa isang hula. Ginagamit nila ang kanilang kulay green na manipis na lubid para sa pagkuha ng mga prutas sa mga puno at pagpitas ng mga bulaklak sa kagubatan.  Ang punong kanilang kinukuhanan ng mga prutas ay lalong namumunga at ang halamang kanilang pinipitasan ng mga bulaklak ay lalong namumulaklak.   Naniniwala sila na sa lahi ng mga