manananggal na may kulay brown na pakpak ay isisilang ang isang makapangyarihang tao na magiging tagapagtanggol ng sangkatauhan at lilipol sa maraming masasamang aswang at manananggal. At ang makapangyarihang taong ito ay isisilang ng kanilang prinsesa. At ang prinsisang iyon ay ang iyong inang si Aryanna na kahuli-hulihang natirang lahi sa angkan nila. Nagtago siya nang nagtago, habang hinihintay ang pagdating ng lalakeng iibig sa kanya at magbibigay katuparan sa hula. At dumating nga ang iyong amang si Henry na nagmahal sa kanya nang lubusan sa kabila nang tunay na pagkatao nito. Minahal niya ang mommy mo nang higit pa sa kanyang buhay, patunay ang pag-alay niya nang kanyang buhay para masamahan lang ito hanggang sa huli."
Nanahimik si Xandro at nanatiling nakaupo at