nakatungo. Ramdam niya ang hapdi ng pinagdaanan ng kanyang mga magulang sa kamay ng mga masasamang nilalang.
"Alam kong magiging masakit ito para sa iyo anak, dahil ako mismo hanggang sa ngayon ay naalala pa rin ang lahat ng mga nangyari. Ang mahalaga ay nabigyan mo agad ng katarungan ang kanilang malagim na pagwawakas."
Nanatili pa ring tahimik si Xandro kaya minabuti na ni Eric na iwanan na muna ito para makapag-isip ng mabuti sa kung ano ang mga dapat niyang gawin matapos marinig ang buong katotohanan. "Ang mabuti pa siguro'y maiwan na muna kita rito para makapag-isip-isip ka at makapagpahinga, andiyan lang ako sa baba kung gusto mo na uling makipag-usap." Tinapik ng marahan ni Eric ang balikat ng pamangkin