at dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto ni Xandro.
Pagkaalis ni Eric ay tumayo si Xandro at lumakad patungo sa maliit na bintana. Hindi niya napigilang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Matapos ay nagpasya siyang lumabas na muna ng bahay para maglakad-lakad at makapag-isip. Pagkababa ni Xandro nakita niyang nakaupo ang kanyang tito.
"Maglalakad-lakad lang ho muna ako tito, babalik na lang po ako mamaya," paalam ni Xandro kay Eric.
"Mas mabuti pa nga para mapag-isipan mong mabuti kung ano ang mga dapat mong gawin magmula ngayon," sagot nito sa pamangkin habang iniinom ang mainit na kape sa isang tasa.
Naglalakad nang naglakad si Xandro suot-suot ang