kanyang bagong rubber shoes.  Malayo-layo na rin ang nalakad niya ng makakita siya ng isang mahabang upuan malapit sa isang bangko, napansin niyang walang sinumang tao sa paligid, naupo siya sandali. Napag-isip-isip niya na ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan ay sadyang kaloob ng Diyos, siguro may mabigat na dahilan kung baket niya hinayaang mangyari ang lahat ng iyon.
           Ang mahalaga'y magpakatatag siya at gampanan kung ano man ang tungkuling iniatang sa kanyang mga balikat. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang tumayo at sumigaw ng, "Xander!"
           Lumutang agad si Xandro, gumaan at gumanda agad ang pakiramdam niya. Naramdaman at napansin niyang