naglaho ang kanyang maiksing balbas at bigote. Sinubukan niyang umangat ng mas mataas pa, lalong gumanda ang pakiramdam niya. Nakatayo siya sa himpapawid, tumagilid siya ng kunti paharap matapos ay iniangat ang isa niyang braso at sabay na lumipad ng pagkabilis-bilis. Lumipad siya ng lumipad, ramdam niya ang malakas at malamig na ihip ng hangin sa kanyang mga pisngi. Tanaw niya ang naggagandahang mga gusali at mga ilaw sa paligid. Nakita rin niya ang malaking Billboard ng kilalang brand ng multi-vitamins.  Sinubukan niyang lumiko pabalik sa pinanggalingan niya.  Lumipad ulit siya ng lumipad. Lumipad siya ng pagkabilis-bilis at biglang huminto sa himpapawid, tumayo ng nakatuwid at inilagay ang mga kamay sa kanyang mga beywang. Ganito pala kasarap ang lumipad. Maya-maya ay lumipad ulit siya nang