pagkabilis-bilis hanggang marating niya ang ibabaw ng malawak na karagatan. Tanaw niya ang napakalaki at napakagandang barko ng super ferry at makukulay na mga ilaw nito, nakakita rin siya ng iilang grupo ng mga mangingisda sakay ng kanilang maliliit na bangka na tahimik na naglalayag.  Nag-focus siya at kaagad niyang nalaman na nakakakita siya ng malinaw sa gabi. Nakikita niya ang karagatan na para bang pinagmamasdan niya ito sa umaga. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kalayaan at kaligayahan. Lumipad ulit siya ng pagkabilis-bilis at maya-maya'y nagpaikot-ikot         
            Malayo na ang nararating niya kaya nagpasya na siyang bumalik sa syudad, upang muling makita ang mga nanggandahang gusali at kalsada ng Maynila. Natuwa siya sa hili-hilira ng mga ibat-ibang klase ng mga mamahaling kotse sa mahahabang kalsada.  Tumigil siya sa itaas at pinagmasdan ang