kagandahan ng buong Luneta, nakita niya ang maraming taong namamasyal kasama ang kani-kanilang pamilya, masayang-masaya habang kumakain ng pizza, lechon manok at umiinom ng tea, soda, juice, at softdrink. Napansin niyang mas maganda pala ang fountain sa gitna kapag pinagmamasdan ito mula sa himpapawid. Marami sa mga namamasyal ay nakasuot ng mamahaling T-Shirts at jeans. Lumipad ulit siya nang lumipad nang pagkabilis-bilis, narating niya ang ibabaw ng kanyang pinagtratrabahuang appliance center at naisip na bukas... bukas ay makikita kong muli ang babaeng aking pinakamamahal na si Althea.
Maya-maya habang nakatayo sa himpapawid at nakalaylay ang dalawang mga braso sa kanyang tagiliran, tila