may nag-udyok sa kanya na ibuka nang mabilis at malakas ang kanyang dalawang mga kamay, may naramdaman siyang pwersa mula sa itaas at gitna ng kanyang dibdib. Mula rito ay biglang lumabas ang isang kulay orange at manipis na manipis na lubid, para itong mga sinulid na pinagbuhol-buhol sa isa't isa. Tiningnan itong maigi ni Xander, umabot hanggang mga sampung talampakan ang haba nito, habang parang may sariling buhay na kumikilos sa himpapawid. Maya-maya tiningnan ni Xandro ang kanyang isang paa, pero imbis na makita ito ay ang loob lamang ng kanyang sapatos ang kanyang nakita, nangiti lang siya, huminga siya nang malalim at mabilis na pumasok paloob ang manipis na lubid. Nagpasyang bumalik na sa bahay ng Tito Eric niya si Zander.