Kaya muli siyang lumipad nang pagkabilis-bilis patungo sa magiging bago niyang tahanan.  Pagkatapat ni Xander sa may bintana ng kwarto nina Eric, napansin niyang nakangiting pinagmamasdan siya nito, kaya tumigil siya sa paglipad at tumayo paharap sa Tito Arthur niya, nagbigay-galang at nagpasasalamat siya dito sa pamamagitan ng pagngiti at pagyuko ng bahagya ng ulo niya.  Tapos ay lumipad muli paitaas papuntang attic at dahan-dahang lumipad papasok sa nakabukas na pintuan nito.  Pagkalapag na pagkalapag niya sa sahig ay napansin niyang muling lumitaw ang dalawang mga paa niya mula sa laylayan ng kanyang suot na pantalon. Ngiti-ngiting lumuhod siya sa sahig at tinanggal ang kanyang sapatos at isinunod ang kanyang pantalon. Tumayo siya ng tuwid at umangat ng bahagya. Nakita niyang naging kalahati siya sa harap ng salamin ng kanyang kwarto. Invisible mula sa kanyang beywang, ay lumipad siya nang pagkabilis-bilis palabas ng pintuan. Ilang sandali lang ay nasa itaas na siya ng kalawakan. Lumipad siya nang tuwid at paikot. Lumipad siya nang lumipad. Pagkalipas ng ilang sandali ay tumigil si Zander at ibinuka ang kanyang mga palad ng malakas at mabilis. Kaagad na lumabas ang manipis at puting lubid. Muli ay pinagmasdan niya ito habang gumagalaw-galaw ito sa himpapawid sa kadiliman ng gabi. Bigla na lang may naramdaman si Zander sa kanyang dalawang balikat, iginalaw niya ang mga ito paatras. Agad na lumitaw ang dalawang kulay brown na mga pakpak. Pumaitaas siya ng bahagya habang gumagalaw-galaw ang mga ito sa himpapawid. Napangiti siya habang nililingon ang mga ito. Pagkatapos ay iginalaw niya ang kanyang mga balikat ng bahagya paharap. Naglaho kaagad ang kanyang mga pakpak.  Pleased, mabilis na lumipad si Zander pabalik sa bahay ni Arthur. Tahimik na lumipad siya papasok ng pintuan ng kanyang kwarto sa may attic. Sumigaw siya nang marahan, "Xander!" At kaagad na lumitaw uli ang kanyang maiksing balbas at bigote, ng sa ganoon ay hindi siya makilala ng mga taong muling makakakita sa kanya.