papanong nadagit siya nito, gayong wala naman itong mga paa habang lumilipad. Ramdam na ramdam niyang may mahigpit na nakakapit sa dalawa niyang balikat pero hindi niya ito makita. Pilit niyang inalam kung ano ang nakakapit na iyon, pero wala talaga siyang makita.
Maya-maya lang sa di-kalayuan ng nagliliyab na bahay, dahan-dahang inilapag ng batang si Xander ang kapatid ni Henry.
Nang tuluyan nang sumayad ang mga paa ng kapatid ni Henry sa lupa. Hindi niya magawang makatayo at bumagsak paupo sa lupa. Pinagmasdan niya ang lumilipad na batang si Xander at matapos siyang makaipon ng lakas ng loob ay linapitan niya ito at hinawakan ang kalahating pang-itaas na katawan nito. Papanong nakalipad ang batang ito gayong