naubos agad ang mga aswang at manananggal, napatay silang lahat ng nag-iisang si Xander. Maya-maya ay nagliyab na ang buong bahay na naging saksi sa kahindik-hindik na mga pangyayari.
Takot na takot pa rin ang kapatid ni Henry, hindi pa rin siya makakilos. Nakita niyang agad na lumipad ang kalahating katawan ng batang si Xander patungo sa kanyang direksyon. Natakot siya dito. At naramdaman na lang niya na may kumapit sa kanyang dalawang balikat. May naramdaman siyang dumampi at humawak sa kanyang dalawang balikat pero hindi niya ito makita. Dinagit ng batang si Xander at inilipad papalabas ng nagliliyab na bahay ang kapatid ni Henry. Habang nasa himpapawid nakikita ng kapatid ni Henry ang kalahating katawan ng bata. Subalit