Nagulat ang kapatid ni Henry sa nasaksihan kay Xander, mula sa kanyang kinalalagyan.  Biglang naging kalahati ang katawan ng bata habang bahagyang nakaangat ito sa sahig. Umangat pa ito ng umangat nakita niyang may kung anong green na liwanag na lumabas mula sa harapan ng bata. Gumalaw at tumama sa papalapit na manananggal. Sa harapan mismo ng binata ay napasigaw ang manananggal at nalusaw at naging abo kaagad ito. Sa galit sa nangyari ay sabay-sabay na lumipad palapit kay Xander. Sa malabis na pagkamangha ng binata, ay agad na lumabas muli ang green na liwanag mula sa harapan ni Xander.  Isa-isang tinamaan ang mga aswang at manananggal. At kagaya ng naunang manananggal, marami sa mga aswang at manananggal ay napasigaw at nalusaw at naging abo. Maya-maya lang ay