anong gagawin.  Hawak-hawak pa rin niya ang batang si Xander.  Napansin niyang umiiyak ito habang pinagmamasdan ang mga nangyari sa kanyang mga magulang. Ilang sandali lang ay napansin ng isang manananggal ang pinagtataguan nina Xander at dali-dali itong lumipad patungo sa kinalalagyan nila. 
         Habang nakaupo sa sahig ay di-sinasadyang nabitawan ng kapatid ni Henry si Zander sa sobrang takot nito sa papalapit na manananggal.
         Patuloy na umiiyak ng tahimik ang batang si Xander habang pinagmamasdan ang papalapit na manananggal, handa nang lapain silang dalawa.
         Biglang sumigaw ang batang si Xander, "Xander!"