pa rin nila ito pinakinggan. Isang manananggal ang lumipad nang mabilis at hinatak si Henry papalayo kay Aryanna at kinagat ito sa leeg gamit ang mga pangil nito. Nanghihinang natumba agad si Henry sa sahig habang pilit na inaabot ang mga kamay ni Aryanna. Hanggang sa malagutan na ito ng hininga sa harapan mismo ni Aryanna. Makalipas ang ilang Segundo ay dumating at lumipad papalapit kay Aryanna ang ilang mga manananggal at kinagat ito. Pagkalipas ng ilang sandali ay linubayan na ng mga manananggal si Aryanna at binitawan, bumagsak ito sa tabi ni Henry. Pinagmasdan ni Aryanna ang asawa nito sa kahuli-hulihang pagkakataon at namatay. Kitang-kita ng kapatid ni Henry ang lahat ng kahindik-hindik na mga pangyayari mula sa kanilang pinagtataguan. Takot na takot siya at hindi malaman kung