magtatago kaming mabuti."
            Umakyat agad sa itaas ng bahay ang kapatid ni Henry, at mula sa pinagtataguan nila ni Xander ay natatanaw niya ang kapatid at si Annabelle. Maya-maya ay nakarinig sila ng mga kaluskos sa bubungan at kalabugan sa kung saan-saang bahagi ng bahay. At bigla na lang nagpasukan ang mga nakakatakot at masasamang aswang at manananggal.
            "Maawa kayo, ako na lang ang patayin niyo, huwag niyo nang idamay ang asawa ko..." pakiusap ni Aryanna sa pinuno ng mga aswang at mga manananggal. Mabilis namang tumakbo papunta kay Aryanna at tinakpan ang katawan nito, yakap-yakap ito. Muling nagsumamo si Aryanna subalit hindi