usyosera sa paligid.  Humakbang papapsok sa loob ng malaking living room ng mansion si Xander.
          "Mga bata ligtas na kayo, maari na kayong lumabas," pahayag ng nakangiting si Xander, kaya isa-isang lumapit kay Xander ang mga bata.  Yumakap agad ang isang cute na cute na batang babae kay Xander at agad siyang hinalikan sa pisngi.  Kaya yinakap rin ito ni Xander nang bahagya.  Tapos ay agad itong kinarga ni Xander sa kaliwang bisig. Lumakad siya pabalik sa nakabukas ng pintuan.  Nakita ng mga nag-aabang na mga usyosero at usyosera ang paglabas ni Xander mula sa malaking mansion karga-karga ang napaka-cute at nakangiting batang babae.  Nagsunuran naman ang iba pang mga bata at paisa-isa silang lumabas sa malaking pintuan ng magarang kulay green na mansion.