Sinalubong naman agad ang mga nailigtas na mga bata ng kani-kanilang mga magulang na kanina pa nag-aalala para sa kaligtasan ng kani-kanilang mga anak.  Halos sabay-sabay nilang isinigaw kay Xander ang kanilang taos-pusong pasasalamat para sa mabilis niyang pagsagip sa kani-kanilang mga anak.  
             Nang biglang may usyoserang sumigaw nang malakas, "Eroplano, mababagsakan tayo ng eroplano!"
            Nagulantang ang lahat ng mga tao sa palibot ng mansion, may isang malaking eroplano na mabilis na bumbulusok papunta sa kinalalagyan nila.  Tumingala si Xander at nakita niya ang mabilis na pagbulusok ng malaking eroplano.  Hindi na siya nagsayang nang kahit ilang sandali, mabilis siyang lumipad paitaas.  Sinalubong ni Xander ang