eroplano at nang malapit na ito sa kanya ay agad niya itong sinalo at binuhat mula sa gitna at ilalim. Buhat-buhat ni Xander ang malaking eroplano gamit ang kanyang dalawang kamay, dahan-dahan at maingat niya na itong ilalapag sa lupa nang biglang may sumigaw na namang usyosera nang, "Eroplano, mababagsakan tayo ng eroplano!" Nakita ni Xander na may isa na namang eroplanong pabagsak sa lugar na iyon. Binitiwan ni Xander ang buhat-buhat niyang malaking eroplano sa himpapawid, ibinuka niya ang kanyang mga palad nang mabilis at malakas, lumabas ang manipis na lubid at agad na hinabol ang ngayo'y pabagsak na namang naunang eroplano, agad na pinuluputan at binuhat. Lumipad si Xander nang pagkabilis-bilis paitaas at sa isang iglap lang nasalo niyang muli ang ikalawang pabagsak na eroplano.