Buhat-buhat ni Xander ang pangalawang eroplano ng dalawa niyang mga kamay sa ilalim at gitna nito habang binabalanse at binubuhat naman ng manipis na lubid ang isa pa. Ang dalawang eroplanong ito ay magkasunod na inatake ng napakalaking grupo ng mga ibon na nagmula pa sa ibang bansa at nagpunta rito sa Pilipinas para makaiwas sa taglamig at makahanap ng makakain. Maingat at dahan-dahang lumipad si Xander pababa sa harapang bahagi ng malaki at kulay green na mansion buhat-buhat ang dalawang naglalakihan at nagbibigatang mga eroplano. Unang ibinaba ng manipis na lubid ang naunang eroplano at ilang saglit lang naibaba na rin ni Xander ang pangalawang eroplano. Gulat na gulat ang lahat sa mga nasaksihan nila, magkahilira na ngayon ang malaking kulay green na school service vehicle na ginamit ng nag-iisang hostage-taker at ang dalawang malalaking eroplano sa harapang bahagi at labas ng malaking mansion.