Mula sa itaas habang patuloy siyang pinapanood ng mga usyosero at usyosera, huminga muli ng malalim si Xander at agad na umikli at bumalik papasok sa kanyang dibdib ang manipis na lubid. Pagkatapos ay mabilis na lumipad si Xander pababa, patungo sa nakasarado pa ring pintuan ng malaking kulay green na mansion. Pagkasayad na pagkasayad ng mga paa ni Xander sa lupa at harapan ng pintuan ng malaking kulay green na mansion, agad niyang binuksan ang pintuan nito.
Tahimik pa rin ang mga usyosero at