tuluyan na niyang nakalas ang tali. Tumayo naman agad si Althea at muling yinakap si Xander. "Hindi ka na ba natatakot sa akin mahal ko?" tanong agad ni Xander sa kanina pa yakap nang yakap na si Althea. Nginitian ni Althea si Xander at sinabing, "Hindi na, hinding-hindi na uli ako matatakot sa 'yo dahil napatunayan mo na sa akin kung gaano mo ako kamahal, mahal na mahal kita Xander." Nagliwanag bigla ang mukha ni Xander sa mga ipinahayag ni Althea kaya yinakap niya ito ng buong pagmamahal. Sa sobrang tuwa ni Xander hindi niya na namalayang unti-unti na pala silang lumulutang na dalawa ni Althea.