Chapter 33

            "Akala ko hindi na tayo muling magkikita, mabuti na lang at nahanap mo ako, kung hindi malamang ay wala na ako ngayon..." pahayag ng hamagolgol na si Althea.  Agad na lumipad si Xander papalapit kay Althea.  Bumaba ito agad na niyakap ang nakaupong si Althea.  "Ligtas ka na mahal, andito na ako, huwag ka nang umiyak..." alo ni Xander sa kanyang pinakamamahal na si Althea. Agad umikot sa likuran ng upuan si Xander at kinalagan si Althea mula sa mahigpit na pagkakatali nina Waldo. Ilang sandali lang ay