sa kanilang naghihintay na sasakyan.
Mula sa kanyang kinatatayuan ay masusing pinagmasdan ni Xander ang kalagayan ni Althea mula sa likuran ng natitira pang sampung mga goons. Mas matapang kaysa sa naunang sampo ay kaagad silang kumalat at pinalibutan si Xander sa gitna nila. Napansin ni Xander ang miserabling kondisyon ni Althea kaya sa unang hakbang pa lang ng mga goons para atakihin siya ay mabilis siyang umikot sa gitna at tinamaan ang sampung mga goons nang paisa-isa gamit ang kanyang asul na liwanag na nagpabagsak sa mga ito sa sahig na may mga puting tiles. Si Xander ay napalibutan ng sampung walang malay na mga goons.