pagligtas kay Althea sa likuran nila. Hinarangan nila ang daraanan ni Xander na gumawa ng dalawang pila na may sampung goons bawat grupo. “Patayin niyo siya, patayin niyo ang gustong magpakabayaning iyan!” ang mabilis at malakas na utos ni Esmeralda sa kanyang mga goons. Sumunod naman kaagad ang mga goons at pinalibutan si Xander. Kaagad at sabay-sabay silang nagsigawan at sumugod kay Xander sa gitna nila na naktayo sa sahig na may puting mga tiles at nang makalapit na sila sa kanya sa may gitna ay sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang kanang mga hita at sinipa si Xander sa gitna nila. Sa ilang segundo lang ang lahat ng mga goons ay napasigaw at napahawak sa kanilang mga tuhod sa sakit na kaagad tumakas papalabas ng gusali. Nag-panic sina Esmeralda at Waldo at mabilis na tumakbo patakas papunta