dibdib. Kaagad na pinuterya ni Xander ang goon sa kanyang kaliwa, tinamaan ito at bumagsak sa sahig. Pagkatapos ay pinatamaan ni Xander ang goon sa harapan niya at ang nasa kanan niya ng sunod-sunod. Bumagsak ang dalawa sa sahig na may pulang mga tiles. Sa malabis na pagkagimbal at pagkatakot nila kay Xander ang lahat ng mga goons ay nagsitakbuhan at tumakas papalabas ng malaking gusali at palabas ng malaking gate.
Muling lumipad si Xander at mas mabilis sa pagkakataong iyon, tinungo niya ang isang nakabukas na pintuan sa harapan niya. Pagkapasok na pagkapasok niya, ay kaagad na nakita ni Xander si Althea na nakatali sa upuan. Mabilis na sinalubong siya ng dalawampung natitirang mga goons si Xander. Pumila sila para mapigilan si Xander sa