malalaking bakal na drums at iniangat sa itaas ng kanilang mga ulo. Ang isa sa mga goon ay sumigaw, “Attack…!” at mabilis at sabay-sabay na pinunterya at ibinato kay Xander ang malalaking bakal na drums. Umulan ng dalawampung makukulay na malalaking bakal na drums sa bawat lugar na lahat ay patungo kay Xander. Subalit kagaya ng nangyari kani-kanina, bago pa man matamaan si Xander ng mga malalaking drums ay kaagad nang bumagsak ang mga ito sa makintab na pulang sahig. Simpling pinagtawanan lang ni Xander ang dalawampung mga goons. Pagkatapos ay huminga siya nang malalim habang naka-relax ang mga braso sa gilid, ibinuka niya ang kanyang mga palad paharap, mabilis at malakas, at kaagad na lumabas ang manipis na ginintuang lubid mula sa gitna at itaas na bahagi ng kanyang