natitirang labimpitong goons na naka black sunglasses, mamahaling T-shirts, at jeans ay natumba sa isa’t isa na parang mga pabagsak na mga dominoes. Kaagad na tumayo ang labimpitong mga goons na bumagsak na parang mga domino at tumakbo papalayo sa gusali dahil sa malabis na pagkagimbal sa kamangha-manghang lakas at kapangyarihan ni Xander. Linipad ni Xander ang buong kahabaan ng makitid na pasilyo at nang marating niya ang isang nakabukas na pintuan ay tumuloy siya dito upang muling hanapin si Lynette.
Nang malampasan na ni Xander ang nakabukas na pinto ay kaagad siyang sinalubong at pinalibutan ng mga inutusang goons ni Esmeralda. Nakatayong nakalutang si Xander sa gitna ng mga goons na lahat ay dumampot ng