“Huwag nating sayangin ang cola, ito kasi talaga ang paborito ko.” Sinubukang muling dumampot ng mga bote ng cola ang pangatlong goon subalit hindi na siya hinayaan ni Xander sa awa nito sa hindi pa nabubuksang mga bote ng cola. Kaagad niyang hinuli ang pangatlong goon gamit ang kanyang manipis na ginintuang lubid sa beywang nito at ibinalibag pakaliwa sa masikip na pasilyo. Mabilis na kinuha ng pang-apat na goon mula sa kanyang bulsa ang limampong bakal na holen, twenty-five bawat kamay. Galit na galit nitong ibinato ang mga ito papunta kay Xander subalit kagaya ng nangyari kani-kanina, ng matatamaan na sana si Xander ay bumagsak lang ang mga ito sa sahig. Habang nakatayo ay lumipad si Xander papunta sa pang-apat na Goon sa single-file na pila at mabilis na sinipa ito sa dibdib at dahil dito ang