nangyari kani-kanina. Bumato nang bumato ito ng marami pang Frisbee subalit lahat ay pawang bumagsak din sa sahig. Mabilis na hinuli ito ni Xander gamit ang kanyang manipis na ginintuang lubid at ibinalibag sa kanang bahagi ng makitid na pasilyo. Bahagyang nakangiting pinagmasdan ni Xander ang pangatlong goon sa pila. May hawak-hawak itong mga hindi pa nabubuksang bote ng cola sa dalawa nitong mga kamay. Hindi ito nagsayang ng sandali at kaagad na ibinato ang dalawang bote ng cola kay Xander subalit ng matatamaan na siya nito, ang dalawang lata ay bumagsak pababa at mabilis namang nasalo ng dalawang sapatos ni Xander at binalanse gamit ang kanyang hindi nakikitang mga paa sa loob, isa bawat isa. Mabilis namang inilagay ni Xander ang dalawang hindi pa nabubuksang bote ng cola sa gilid at nagwikang,