maglalaro,” sabi ni Xander. Habang bahagyang nakalutang ay ibinuka ni Xander ang kanyang mga palad ng paharap, mabilis at malakas, kaagad na lumabas ang manipis na lubid mula sa gitna at itaas na bahagi ng kanyang dibdib at hinuli ang unang goon sa pamamagitan nito, pinuluputan nito ito sa beywang nang mahigpit. Nagpupumiglas ang goon para makalaya mula sa ginintuang lubid subalit simpling ibinalibag lang ni Xander ito sa kaliwang bahagi ng makitid na pasilyo. Hinarap naman ni Xander ang pangalawang goon sa pila. Kaagad na pinuntirya ng pangalawang goon si Xander ng matalim na Frisbee nito. Mabilis nitong pinakawalan papunta kay Xander subalit ng halos matamaan na nito ang katawan ni Xander ay bumagsak ang Frisbee sa sahig, gaya ng