gumulong sa hangin papalapit kay Xander. Nakatayo lang si Xander habang pinagmamasdan ang patuloy na paggulong ng bola sa hangin papalapit sa kanya subalit bago pa man ito tumama sa katawan niya ay kaagad bumagsak ang mga bola ng bowling pababa papunta sa sahig na tila may kung anong hindi nakikitang shield na promoprotekta sa buong katawan ni Xander. Pinagmasdan lang ni Xander ang goon na bumato sa kanya ng dalawang bakal na mga bola. Kaagad ay muling dumampot ito ng mabibigat na bola ng bowling at galit nag alit na ibinato ang lahat ng mga bola nang paisa-isa patungo kay Xander, subalit kagaya ng nangyari kani-kanina ang lahat ng bola ng bowling ay bumagsak sa sahig.
             “Mukhang pagod na pagod ka na kakatrato sa akin bilang isang bowling pin, marahil ay ako naman ngayon ang